352 OFWs mula Saudi Arabia, balik-bansa na

Nakauwi na ng Pilipinas ang mahigit 300 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia, araw ng Sabado (May 23).

Sinalubong ng ilang tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 352 OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga OFW ay nagtrabaho sa Nasser Al Hajri Corp.

Sasalang ang mga OFW sa 14-day mandatory quarantine para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na umabot na sa mahigit 29,000 ang bilang ng OFW na na-repatriate simula noong February 2020.

Read more...