Yumanig ang magnitide 3.5 na lindol sa Manay, Davao Oriental Sabado ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 127 kilometers Southeast ng Manay dakong 1:10 ng hapon.
Pitong kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na wala namang naidulot na pinsala ang lindol sa nasabing bayan.
Wa ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.