outbrain

97 patay sa pagbagsak ng eroplano sa Pakistan

By Angellic Jordan May 23, 2020 - 12:36 PM SHARE(S):

Nasawi ang 97 katao makaraang bumagsak ang isang eroplano sa Karachi, Pakistan.

Bumagsak ang eroplano ng Pakistan International Airlines (PIA) sa isang residential area sa Karachi.

Bunsod nito, nasira ang ilang kabahayan at gusali sa nasabing lugar.

Ayon sa Sindh Health Ministry, narekober sa crash site ang mga labi ng mga nasawing pasahero at crew ng eroplano.

19 rito ang nakilala na ng mga otoridad.

Sa ngayon, nananatiling sarado ang pinangyarihan ng aksidente para sa isinasagawang rescue operation.

TAGS: Inquirer News, Pakistan International Airlines (PIA), plane crash in Karachi, Radyo Inquirer news, Sindh Health Ministry, Inquirer News, Pakistan International Airlines (PIA), plane crash in Karachi, Radyo Inquirer news, Sindh Health Ministry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.