outbrain

Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 263 na

By Mary Rose Cabrales May 23, 2020 - 11:29 AM SHARE(S):

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Biyernes, May 22 6PM) umakyat na sa 263 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 102 pulis na nakarecover na habang nananatili pa rin sa 4 ang nasawi.

Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 777 na at 575 naman ang suspected cases.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

TAGS: COVID-19 cases in the PNP, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, policemen affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, COVID-19 cases in the PNP, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, policemen affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.