Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 5.3-M na

By Angellic Jordan May 23, 2020 - 11:30 AM

Sumampa na sa mahigit 5.3 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 5,303,992 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,645,094 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 332,382 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 326,448 naman ang kaso sa Russia habang 281,904 ang napaulat na kaso sa Spain.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 254,195
– Italy – 228,658
– France – 182,219
– Germany – 179,713
– Turkey – 154,500
– Iran – 131,652
– India – 124,794
– Peru – 111,698
– China – 82,971
– Canada – 82,480
– Saudi Arabia – 67,719
– Mexico – 62,527
– Chile – 61,857
– Belgium – 56,511
– Pakistan – 50,694
– Netherlands – 44,888
– Qatar – 40,481

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 340,003 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 2,158,562 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: COVID-19 cases in the world, COVID-19 deaths in the world City, COVID-19 recoveries in the world, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, COVID-19 cases in the world, COVID-19 deaths in the world City, COVID-19 recoveries in the world, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.