BREAKING: Lindol sa Aurora, itinaas sa magnitude 5.4; Pagyanig naramdaman sa Metro Manila

(UPDATED) Itinaas sa magnitude 5.4 ang tumamang lindol sa lalawigan ng Aurora.

Sa earthquake information no. 2, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 16 kilometers southwest ng bayan ng San Luis.

Naganap ang lindol alas 10:10 ng umaga ng Sabado, May 23.

May lalim itong 7 kilometers at tectonic ang origin.

Naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila.

Dahil dito, sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity 6:
– Baler, Aurora

Intensity 5:
– San Luis, Dipaculao
– Maria Aurora, Aurora

Intensity 4:
– Casiguran, at Dingalan, Aurora
– Gabaldon
– Palayan City, Nueva Ecija

Intensity 3:
– Obando, Bulacan
– Villasis, Pangasinan
– City of Paranaque
– City of Antipolo, Rizal

Intensity 2:
– Santo Domingo, Nueva Ecija
– Malolos City at Plaridel, Bulacan
– City of Baguio
– City of Manila
– City of Malabon
– City of Navotas
– Quezon City
– City of Valenzuela

Intensity 1:
– Gapan City, Nueva Ecija
– Guinayangan, Quezon

Instrumental intensities naman ang naitala sa mga sumusunod na lugar:

Intensity 4:
– Palayan City, Nueva Ecija

Intensity 3:
– San Ildefonso, Bulacan
– Santiago City, Isabela

Intensity 2:
– Cabanatuan City, at San Jose City, Nueva Ecija
– Malolos City, Bulacan
– City of Baguio
– City of Navotas

Intensity 1:
– Guagua, Pampanga
– City of Marikina
– City of Malabon
– Quezon City
– Guinayangan, at Mauban, Quezon
– Iriga City, Camarines Sur
– Dagupan City, Pangasinan

Sinabi pa ng Phivolcs na inaasahan pa rin ang aftershocks.

Read more...