outbrain

Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,342

By Mary Rose Cabrales May 22, 2020 - 08:59 PM SHARE(S):

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (May 22, 3:00 PM) pumalo na sa 1,342 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 22 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 297
Laguna – 392
Batangas – 157
Rizal – 413
Quezon – 83

Nasa 658 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 13 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 100
Laguna – 263
Batangas – 80
Rizal – 152
Quezon – 63

Nadagdagan ng 1 ang nasawi kaya’t 147 na ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 27
Laguna – 34
Batangas – 21
Rizal – 57
Quezon – 8

 

 

 

 

TAGS: calabarzon, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, calabarzon, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.