ECQ sa 10 barangay sa Navotas City epektibo na
Epektibo na ang muling pagsasailalim sa sa enhanced community quarantine sa sampung mga baranagay sa Navotas City.
Ito ay matapos na aprubahan ng Regional Inter Agency Task Force ng NCR ang hiling ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ibalik ang ECQ sa sampung barangay.
Simula alas 5:01 ng umaga ngayong araw, May 23, 2020 ang pag-iral ng ECQ sa sumusunod na mga barangay:
– NBBS Dagat-Dagatan
– NBBS Kaunlaran
– NBBS Proper
– San Jose
– NBBN
– Sipac Almacen
– Daanghari
– Tangos North
– Tangos South
– San Roque
Ayo kay Tiangco sa ilalim ng ECQ ang mga residente mula sa nabanggit na mga barangay ay kailangang tumalima sa mga sumusunod:
1. Tanging mga may hawak ng home quarantine pass (HQP) ang makalalabas para mamili ng pangangailangan. Walang bagong HQP na maaaring iissue ang barangay.
2. Patuloy ang pagpapatupad ng MWF/TThS schedule ng pamamalengke.
3. Ang HQP ay may bisa lamang para sa pamimili ng pagkain, grocery, gamot at iba pang pangangailangan. Ito ay maaari lamang gamitin sa araw ng schedule ng barangay.
4. Ang mga essential workers o mga manggagawang exempted ng IATF, tulad ng mga nagtatrabaho sa fishport, ay maaari pa ring pumasok sa trabaho dala ang kanilang company ID o certificate of employment.
5. Lahat ng mga may HQP na aalis ng bahay ay dapat:
a. Nakasuot ng mask na natatakpan ang ilong at bibig
b. Sumunod sa 1-2 metrong physical distancing
c. Umiwas na makipagkumpulan
6. Ang mga matatanda at bata ay hindi pwedeng lumabas maliban lamang kung emergency
7. Ang pamamahagi ng SAP, relief goods at iba pang tulong ay dapat alinsunod sa schedule ng mga barangay.
Tatagal ang pag-iral ng ECQ sa nasabing mga barangay hanggang 11:59 ng gabi ng May 31, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.