outbrain

275,000 na public school students sa Maynila tatanggap ng food packs at hygiene kits

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 08:34 PM SHARE(S):

Tatanggap ng food packs at hygiene kits ang mahigit 275,000 public school students sa Maynila mula Kinder hanggang Grade 12.

Ayon kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, simula sa susunod na lingo ay ipamamahagi na ang food packs at hygiene kits sa mga mag-aaral.

Ginawa ng alcalde ang anunsyo sa video conference nito kasama sina Manila City Schools Division Superintendent Dr. Maria Magdalena Lim, Division of City Schools Property Chief Roland Soriano, at 107 pang school principals sa lungsod.

Ayon kay Domagoso, tutulong ang mga principal sa pamamahagi ng tulong sa mga mag-aaral.

Ipinahanda rin ng alkalde sa mga school principal ang database ng kanilang mga mag-aaral.

Inaasahang sa Martes ay maisusumite na ang listahan at address ng mga mag-aaral mula sa 72 public elementary schools at 35 public high schools sa Maynila.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, grade school, Health, high school, Inquirer News, Manila City, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, public school students, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, grade school, Health, high school, Inquirer News, Manila City, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, public school students, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.