Catbalogan City nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon, May 21
Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang maraming lugar sa bansa kahapon Huwebes, May 21.
Ayon sa PAGASA, naitala sa Catbalogan City ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 36.5 degrees Celsius.
Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:
Tuguegarao City – 36.4 degrees Celsius
NAIA, Pasay City – 36.3 degrees Celsius
Echague, Isabela – 36.0 degrees Celsius
Science City of Muñoz – 36.0 degrees Celsius
Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.