LOOK: Anim na lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na heat index ngayong araw, May 22
Anim na lugar sa bansa ang nakapagtala ng mataas na heat index ngayong araw ng Biyernes, May 22.
Kabilang sa nakapagtala maalinsangang panahon ang bayan ng Daet sa Camarines Norte at ang Sangley Point sa Cavite City.
Narito ang mga naitalang heat index sa sumusunod na mga lugar:
Daet, Camarines Norte – 47 degrees Celsius (2:00PM)
Sangley Point, Cavite City – 47 degrees Celsius (11:00AM)
Legazpi City – 46 degrees Celsius (2:00PM)
Science City of Munoz – 46 degrees Celsius (2:00PM)
Iba, Zambales – 44 degrees Celsius (11:00AM)
Infanta, Quezon – 44 degrees Celsius (2:00PM)
Ayon sa PAGASA ang heat index na aabot sa 41 hanggang 54°C ay mapanganib at maaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kapag tuluy-tuloy ang physical activity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.