35 degrees Celsius naitalang pinakamataas temperatura sa Metro Manila ngayong araw

Umabot sa 35 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas temperatura sa Metro Manila ngayong araw ng Biyernes, May 22.

Ayon sa PAGASA, naitala ito dakong alas 12:00 ng tanghali sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Sa parehong oras ay naitala naman ang 41 degrees Celsius na heat index o alinsangan.

Payo ng PAGASA sa publiko manatiling hydrated at iwasan ang labis na physical activities kapag matindi ang init ng panahon.

 

 

Read more...