LOOK: Robot na gawa ng mga estudyante ginamit sa graduation rites sa isang eskwelahan sa Taguig
Nagdaos ng Cyber-Graduation Ceremonies sa Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science and Technology High School (SRCC) sa Taguig City.
Ang kakaibang seremonya ay ginamitan ng robot na gawa mismo ng mga estudyante ng paaralan.
Ang mga robot ay sinuotan ng toga at sila ang tumanggap ng diploma ng 179 na graduates mula sa SRCC.
At habang tinatanggap ang diploma, ang live videos ng mga nagsipagtapos ay inilagay sa ulo ng mga robot.
Tanging ang mga opisyal ng Taguig LGU, Department of Education at SRCC ang dumalo sa graduation rites na pawang nakasuot ng face masks ay tiniyak ang pagkakaroon ng social distancing.
Naka-live stream din ang graduation kaya napapanood ito ng mga nagtapos na estudyante at kanilang pamilya.
Ang nasabing mga robot ay gagamitin din sa Cyber-Graduation Ceremonies sa sa 24 na public elementary at 12 public high schools sa Taguig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.