PAGASA nagtaas ng thunderstorm advisory sa lalawigan ng Quezon
Sa lalawigan ng Quezon na lamang mayroong umiiral na thunderstorm ayon sa PAGASA.
Sa Thunderstorm Advisory No. 8 na inilabas ng PAGASA alas 5:30 ng hapon ng Biyernes, May 22, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Quezon sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay din ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng San Ildefonso, Angat, Dona Remedios Trinidad, at San Rafael sa Bulacan.
Lifted naman na ang thunderstorm advisory sa iba pang mga lugar.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidudulot ng malakas na buhos ng ulan. lalo na sa mga naninirahan sa low lying areas.
Maari din itong magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.