Paghahain ng building permit application sa QC gagawin nang online

Gagawin nang online ang paghahain ng aplikasyon para sa building permit sa Quezon City.

Ito ay para malimitahan ang pagpunta ng tao sa Department of the Building Office.

Ayon sa QC Local Government Unit, wala na munang ie-entertain na walk-in application.

Para sa mga online application at appointment scheduling maaring bisitahin ang link na https://dbo-af.quezoncity.gov.ph

Para naman i-check ang status ng aplikasyon, maaring i-text ang STATUS (space) APPLICATION NUMBER at isend sa 0950-903-5771.

 

 

 

Read more...