Dayuhan na nakipagtalo sa Makati Police sa Dasmariñas Village sinampahan ng deportation charges ng BI

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 05:24 PM

Ipinagharap ng deportation charges ng Bureau of Immigration (BI) ang Spanish national na nakipagtalo sa mga pulis sa Dasmariñas Village sa Makati City.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente maliban sa overstaying na sa bansa ang dayuhan na si Javier Salvador Parra ay maituturing na itong undesirable alien dahil sa ginawa niya.

Kumalat ang video ni Parra hang nakikipagtalo sa mga pulis sa Makati na nagpapairal ng guidelines sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinita ng mga pulis ang kasambahay ni Parra dahil sa hindi pagsusuoot ng mask sa labas ng bahay.

Dahilan para komprontahin ni Parra ang mga pulis.

“Foreign nationals who are here in the country are expected to follow Philippine laws, especially in these special times wherein public health and safety is at risk,” ayon kay Morente.

Dahil sa hindi pagsunod sa batas at hindi pagrespeto sa mga otoridad ay maituturing nang undesirable alien si Parra.

Base din sa pagsisiyasat ng intelligence division ng BI, paso na ang visa ni Parra.

Inatasan na noon pa ng BI si Parra na magsumite ng counter-affidavit para sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya pero hindi ito nakipag-ugnayan sa ahensya.

 

 

 

TAGS: BI, dasmariñas village, deportation charges, Javier Salvador Parra, Makati Cit, BI, dasmariñas village, deportation charges, Javier Salvador Parra, Makati Cit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.