10 barangay sa Navotas City sasailalim muli sa ECQ

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 03:11 PM

Muling isasailalim sa enhanced community quarantine ang sampung mga baranagay sa Navotas City.

Base ito sa inaprubahang resolusyon ng Regional Inter Agency Task Force ng NCR matapos hilingin ni Mayor Toby Tiangco.

Kabilang sa mga sasailaim sa ECQ simula alas 5:01 ng umaga bukas, May 23, 2020 hanggang sa alas 11:59 ng gabi ng May 31, 2020 ang mga sumusunod:

– NBBS Dagat-Dagatan
– NBBS Kaunlaran
– NBBS Proper
– San Jose
– NBBN
– Sipac Almacen
– Daanghari
– Tangos North
– Tangos South
– San Roque

Ayo kay Tiangco sa ilalim ng ECQ ang mga residente mula sa nabanggit na mga barangay ay kailangang tumalima sa mga sumusunod:

1. Tanging mga may hawak ng home quarantine pass (HQP) ang makalalabas para mamili ng pangangailangan. Walang bagong HQP na maaaring iissue ang barangay.

2. Patuloy ang pagpapatupad ng MWF/TThS schedule ng pamamalengke.

3. Ang HQP ay may bisa lamang para sa pamimili ng pagkain, grocery, gamot at iba pang pangangailangan. Ito ay maaari lamang gamitin sa araw ng schedule ng barangay.

4. Ang mga essential workers o mga manggagawang exempted ng IATF, tulad ng mga nagtatrabaho sa fishport, ay maaari pa ring pumasok sa trabaho dala ang kanilang company ID o certificate of employment.

5. Lahat ng mga may HQP na aalis ng bahay ay dapat:
a. Nakasuot ng mask na natatakpan ang ilong at bibig
b. Sumunod sa 1-2 metrong physical distancing
c. Umiwas na makipagkumpulan

6. Ang mga matatanda at bata ay hindi pwedeng lumabas maliban lamang kung emergency

7. Ang pamamahagi ng SAP, relief goods at iba pang tulong ay dapat alinsunod sa schedule ng mga barangay.

 

 

 

TAGS: 10 barangays, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Navotas City, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 10 barangays, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Navotas City, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.