Ito ay para masiguro na walang mangyayaring mass gatherings o pagtitipun-tipon ng mga Muslim sa kanilang paggunita ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
Sinabi ni National Capital Region Police Office chief, Maj. Gen. Debold Sinas, base sa marching order ng pamunuan ng PNP ay mahigpit na babantayan ag mga mosque.
Kailangan aniyang masunod ang guidelines ng Inter-Agency Task Force.
Pinaalalahanan na rin ni Sinas ang mga district director na bantayan ang mga lugar sa kanilang nasasakupan lalo na ang traditional places na pinuntahan ng Muslim kapag Eid’l Fitr gaya ng Luneta, Quirino Grandstand, at iba pa.