Mass gathering hindi papayagan sa paggunita ng Eid’l Fitr

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 02:37 PM

Mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga mosque at open spaces sa Metro Manila sa Lunes, May 25,

Ito ay para masiguro na walang mangyayaring mass gatherings o pagtitipun-tipon ng mga Muslim sa kanilang paggunita ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

Sinabi ni National Capital Region Police Office chief, Maj. Gen. Debold Sinas, base sa marching order ng pamunuan ng PNP ay mahigpit na babantayan ag mga mosque.

Kailangan aniyang masunod ang guidelines ng Inter-Agency Task Force.

Pinaalalahanan na rin ni Sinas ang mga district director na bantayan ang mga lugar sa kanilang nasasakupan lalo na ang traditional places na pinuntahan ng Muslim kapag Eid’l Fitr gaya ng Luneta, Quirino Grandstand, at iba pa.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, Eid'l Fitr, End of Ramadan, general community quarantine, Health, Inquirer News, mass gathering, Modified enhanced community quarantine, NCRPO, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, Eid'l Fitr, End of Ramadan, general community quarantine, Health, Inquirer News, mass gathering, Modified enhanced community quarantine, NCRPO, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.