Mga lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin sa susunod na mga oras – PAGASA

Makararanas ng patuloy na pag-ulan dulot ng thunderstorms ang mga lalawigan kalapit ng Metro Manila.

Sa thunderstorm advisory number 5 ngng PAGASA na inilabas alas 12:07 ng tanghali ngayong Biyernes, May 22, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Pampanga, Bataan, Rizal, Batangas, Bulacan, at Nueva Ecija sa susunod na mga oras.

Parehong lagay ng panahon ang nararanasan sa Pasay, Paranque, Las Pinas at Muntinlupa; bayan ng Bacoor at Dasmarinas sa Cavite; San Pedro, Lumban, Kalayaan, Majayjay at Liliw sa Laguna; Real, Calauag, San Narcisco, at Buenavista sa Quezon; Botolan, Cabangan, San Felipe at Candelaria sa Zambales; at sa bayan ng San Clemente at Mayantoc sa Tarlac.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidudulot ng malakas na buhos ng ulan. lalo na sa mga naninirahan sa low lying areas.

Maari din itong magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...