Mahigit P245M na halaga ng smuggled na sigarilyo winasak sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 10:56 AM

Aabot sa P245.8 million na halaga ng smuggled na sigarilyo ang winasak sa Zamboanga City

Ayon sa Bureau of Customs, gamit ang 40-ton na forklift truck ay sinira ang mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo.

Dinala naman sa Sanitary Landfill sa Barangay Salaan sa lungsod ang mga winasak na kontrabando.

Ayon kay Customs Dist. Collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., nakumpiska ang nasabing mga sigarilyo sa mga nagdaang operasyon ng customs.

Ang pagwasak ay bilang pagtalima sa utos ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na dapat sirain ang mga nakukumpiskang smuggled goods.

 

 

 

TAGS: customs, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, smuggled cigarettes, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga City, customs, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, smuggled cigarettes, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.