outbrain

Biker patay matapos mag-collapse habang binabaybay ang EDSA

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 10:26 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang biker makaraan itong mag-collapse habang binabaybay ang EDSA Biyernes, May 22 ng umaga.

Ayon sa Facebook post ni MMDA special traffic and transport zone head Edison ‘Bong’ Nebrija, nasa bahagi ng EDSA Magallanes Northbound ang biker nang siya ay biglang mag-collapse.

Naisugod pa ito sa Makati Medical Center pero idineklarang dead on arrival.

Kaugnay nito, umapela si Nebrija sa mga biker na tiyaking sila ay physically fit kapag bibiyahe gamit ang bisikleta.

Kailangan aniyang tiyakin na kaya ng katawan ang matinding init ng panahon.

 

 

TAGS: biker, edsa, Inquirer News, magallanes, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, biker, edsa, Inquirer News, magallanes, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.