Mahigit 51,000 na residente nakinabang sa Kalingang QC Program

Umabot na sa mahigit 51,000 na mga residente sa Quezon City ang nakinabang sa Kalingang QC Program ng lokal na pamahalaan.

Sa datos ng QC LGU, 51,598 na mga lactating mothers, pedicab, tricycle, jeep, AUV, taxi, at TNVS drivers, solo parents, vendors, Persons with Disability (PWDs), at senior citizens ang nabigyan ng P2,000 tulong pinansyal.

Programa ito ng lokal na pamahalaan at ng Sangguniang Panlungsod para sa mga sektor na naapektuhan ang kabuhayan sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Maaring malaman kung kwalipikado sa Kalingang QC Program sa pamamagitan ng link na ito https://tinyurl.com/KalingangQCProcess

Pwede ring magpadala ng email sa kalingangqc@quezoncity.gov.ph para sa mga katanungan.

 

 

 

 

Read more...