Mahigit 51,000 na residente nakinabang sa Kalingang QC Program
Umabot na sa mahigit 51,000 na mga residente sa Quezon City ang nakinabang sa Kalingang QC Program ng lokal na pamahalaan.
Sa datos ng QC LGU, 51,598 na mga lactating mothers, pedicab, tricycle, jeep, AUV, taxi, at TNVS drivers, solo parents, vendors, Persons with Disability (PWDs), at senior citizens ang nabigyan ng P2,000 tulong pinansyal.
Programa ito ng lokal na pamahalaan at ng Sangguniang Panlungsod para sa mga sektor na naapektuhan ang kabuhayan sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Maaring malaman kung kwalipikado sa Kalingang QC Program sa pamamagitan ng link na ito https://tinyurl.com/KalingangQCProcess
Pwede ring magpadala ng email sa [email protected] para sa mga katanungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.