Operasyon ng consulate offices ng DFA suspendido sa Lunes
By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 10:00 AM
Suspendido ang operasyon ng lahat ng consulate office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Lunes, May 25.
Ito ay dahil ang nasabing petsa ay deklaradong Regular Holiday bilang paggunita sa Eid’l Fitr (Feast of Ramadan).
Ayon sa DFA, ang regular na operasyon ng kanilang mga konsulada ay magre-resume sa Martes, May 26, 2020.
Ang mga aplikante na mayroon nang kumpirmadong appointments para sa May 25 ay ia-accommodate sa susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.