US nag-order na ng 300 million doses ng COVID-19 vaccine

Kahit hindi pa naman tuluyang naisasapinal ang bakuna kontra COVID-19 nag-order na ang US ng 300 million doses nito.

Ang order na ito ng US ay halos 1/3 ng 1 bilyong COVID-19 vaccine na target ilabas sa merkado ng British drugmaker  na AstraZeneca.

Ayon sa US Department of Health magbibigay na ito ng $1.2 billion sa kumpanya para mas mapabilis din ang vaccine development nito.

Inaasahang sa 2021 magiging available ang bakuna ng AstraZeneca.

Ang bakuna ay likha ng University of Oxford at licensed sa ilalim ng British drugmaker na AstraZeneca.

Noong nakaraang buwan ay inumpisahan na ang clinical trial ng bakuna sa mahigit 10,000 volunteers na edad 18 hanggang 55.

 

 

Read more...