Death toll ng COVID-19 sa Brazil mahigit 20,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 08:15 AM

Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ang Brazil ng mahigit 1,100 na nasawi dahil sa COVID-19.

Dahil dito, sumampa na sa mahigit 20,000 ang kabuuang death toll ng bansa dahil sa naturang sakit.

Nakapagtala din ang Brazil ng mahigit 16,700 na panibagong kaso.

Dahil dito ang total COVID-19 cases sa Brazil ay mahigit 317,500 na.

Pangatlo ang Brazil sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso.

Ang Estados Unidos ang nananatiling mayroong pinakamaraming kaso na ngayon ay umabot na sa mahigit 1,620,000.

Ang death toll naman ng US ay mahigit 96,200 na.

Habang Russia ang ikalawang bansa na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umabot na sa mahigit 317,5000.

Mababa naman ang death toll ng Russia na nasa mahigit 3,000 lamang.

 

 

TAGS: Brazil, covid death toll, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Brazil, covid death toll, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.