Babaeng kadete mula Isabela nanguna sa PMA Masidlawin Class of 2020

Babaeng kadete na tubong Isabela ang Top 1 sa Philippine Military Academy Masidlawin Class of 2020.

Si Cadet First Class Gemalyn Sugui, 25 anyos ay anak ng isang magsasaka at isang public school teacher at kabilang sa mga magtatapos sa simpleng seremonya ng PMA ngayong araw.

Mapapabilang si Sugui sa Philippine Army kasama ang 99 pa niyang kaklase; habang 45 pang Masidlawin members ang mapapabilang naman sa Philippine Air Force.

Ang 51 pa ay mapapabilang sa Philippine Navy.

Ngayong araw, idaraos ang PMA graduation rites sa Baguio City subalit hindi gaya ng dati, hindi pinayagan ang pagdalo ng mga magulang ng magsisipagtapos bilang pag-iingat sa COVID-19.

Narito naman ang iba pang naging bahagi ng Top 10:

– Top 2: Cadet First Class Jade Villanueva mula Tacloban City
– Top 3: Cadet First Class Jefferson Salazar mula Zamboanga City
– Top 4: Cadet First Class Rotes Gaile Jamandre mula Ifugao
– Top 5: Cadet First Class Jeb Bay-an mula La Trinidad, Benguet
– Top 6: Cadet First Class Catabay Ladyong mula Kalinga
– Top 7: Cadet First Class Vanelyn Angel Tabao ng Tuguegarao City
– Top 8: Cadet First Class June Giel Anne Factor mula Piddig, Ilocos Norte
– Top 9: Cadet First Class Rubenson Abgao Maliwanag Baroy ng Lanao del Norte
– Top 10: Cadet First Class Dencel Aina Bayaca ng Floridablanca, Pampanga

 

 

 

 

Read more...