Mga papasok sa trabaho ngayong araw, May 25 entitled sa ‘double pay’ ayon sa DOLE
Nagpalabas ng holiday pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa araw na ito ng Lunes, May 25, 2020 na isang Regular Holiday.
Deklaradong holiday ang araw na ito bilang paggunita sa Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.
Sa guidelines ng DOLE, ang mga empleyado na hindi papasok sa trabaho sa nasabing araw ay entitled pa rin sa 100 percent ng kaniyang basic wage.
Para naman sa mga papasok sa trabaho, ang empleyado ay tatanggap ng 200 percent ng kaniyang sahod para sa unang walong oras.
Pero ayon sa DOLE dahil sa umiiral na national emergency bunsod ng COVID-19 ang mga employers ay pinapayagan na i-defer ang pagbabayad ng holiday pay hanggang sa dumating ang panahon na maging maayos na ang sitwasyon.
Ang mga establisyimento na sarado o huminto sa operasyon ngayong mayroong community quarantine ay exempted naman sa pagbabayad ng holiday pay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.