outbrain

US Flags ilalagay sa half-mast bilang paggunita sa mga nasawi sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 06:53 AM SHARE(S):

Iniutos ni US President Donald Trump ang paglalagay sa half-mast ng mga watawat sa loob ng tatlong araw.

Ito ay bilang pag-alala sa mga nasawing mamamayan ng Amerika dahil sa sakit na COVID-19.

Ayon kay Trump, ilalagay sa half-mast ang mga watawat sa lahat ng Federal Buildings at National Monuments.

“I will be lowering the flags on all Federal Buildings and National Monuments to half-staff over the next three days in memory of the Americans we have lost to the CoronaVirus,” ayon kay Trump.

Dagdag pa ni Trump layon din nitong alalahanin at bigyang pagpupugay ang mga sundalo na nagsakripisyo para sa bansa.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, donald trump, half mast, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, covid pandemic, COVID-19, donald trump, half mast, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.