Rizal Provincial Govt., hiniling sa IATF na payagan ang pag-angkas sa motorsiklo para sa mga mag-asawa

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 06:38 AM

Umapela ang Rizal Provincial Government sa Inter Agency Task Force (IATF) na payagan ang pag-aangkas sa motorsiklo lalo na kung ang sakay ay asawa.

Sa liham ni Rizal Acting Gov. Reynaldo San Juan sa IATF, sinabi nitong marami sa mga mamamayan ng lalawigan ang balik-trabaho na.

Dahil mahirap pa ang access sa public transportation, marami ang gumagamit ng motorsiklo papasok sa trabaho.

Bunsod nito, marami ang umaapela na payagan ang pag-aangkas sa motorsiklo lalo na kung ang magka-angkas ay nakatira naman sa iisang bahay.

Partikular na binanggit ni San Juan na payagan ang mag-asawa na nakatira sa iisang bahay.

Sinabi ni San Juan na titiyakin nilang maipatutupad ang mga dagdag na hakbang para matiyak ang kaligtasan ng rider at backride nito.

Kabilang dito ang pagsiguro na naka-facemasks ang rider at backride niya, pagsuri sa ID para matiyak na sa iisang bahay sila nakatira, travel pass, maging marriage certificate para matiyak na sila ay mag-asawa.

Ito ay para matiyak aniyang hindi maaabuso ang pag-aangkas sa motorsiklo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: backride, IATF, motorcycle, Rizal, backride, IATF, motorcycle, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.