Mas marami pang lalawigan sa central at southern Luzon uulanin ayon sa PAGASA

Maagang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central Luzon at Southern Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 6:17 ng umaga ngayong Biyernes, May 22, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Pampanga, Bulacan, Tarlac at Laguna sa susunod na mga oras.

Parehong lagay ng panahon na rin ng panahon ang nararanasan sa General Nakar sa Quezon.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidudulot ng malakas na buhos ng ulan. lalo na sa mga naninirahan sa low lying areas.

Maari din itong magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...