Aabot sa 9,000 manok sa commercial at backyard poultry farms sa Ilocos Norte ang apektado ng Newcastle disease o avian pest.
Ayon sa ulat ng Provincial Veterinary Office, apekado ng avian pesto ang mga bayan ng Dingras, Marcos, Banna, Badoc, Burgos, Bangui at Pagudpud.
Sinabi ni Provincial Veterinarian Loida Valenzuela patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa sitwasyon sa bawat barangay na apektado ng sakit.
Nagpapalabas din aniya sila ang advisory sa mga livestock coordinators.
Sa ngayon itinuturing na isa ng “outbreak” ng Provincial Veterinary Office ang Newcastle disease.
Ito aniya ang unang pagkakataon na nakapagtala sila sa lalawigan ng libo-libong kaso ng sakit sa mga manok na posible aniyang lumalala dahil sa pabago-bagong kondisyon ng panahon.