Barangay officials na nasampahan ng reklamo dahil sa anomalya sa SAP distribution, 42 na ayon sa DILG

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 05:40 AM

Umakyat na sa 42 ang bilang ng mga opisyal ng barangay na nasampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ) dahil sa anomalya sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang nagsulong ng kaso base sa direktiba ng DILG.

“Seryosohan po ito. Nalalapit na ang paghuhukom para sa mga tiwaling opisyales ng mga barangay. Hindi po titigil ang ating kapulisan hanggat hindi mapapanagot sa batas ang mga kagaya nila,” ani Año.

Karamihan sa mga reklamo laban sa mga kinasuhang opisyal ng barangay ay ang paghahati o pagbawas sa halaga ng cash assistance.

Isa sa mga sinampahan ng kaso si Barangay Captain Gary Remoquillo mula sa San Pedro City, Laguna matapos hati-hatiin ang cash assistance para sa kaniyang mga constituents.

Ganito rin ang ginawa sa Brgy. Batang, Irosin, Sorsogon. Inatasan umano ng mga opisyal ng barangay ang mga beneficiaries na isauli ang P2,000 mula sa natanggap nilang P5,000.

Isang barangay Ex-O naman sa Olongapo City ang nakakulong na matapos kuhanan ng P3,000 ang isang SAP beneficiary.

Sinabi ni Año na sa mga susunod na araw ay mayroon pang mga makakasuhang barangay officials.

 

 

TAGS: Case, DILG, DOJ, PNP, sap dsitribution, Case, DILG, DOJ, PNP, sap dsitribution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.