Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 220

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10:00PM, Huwebes, May 21), nasa 220 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 9 ang bagong bilang ng nadagdag habang ang bilang ng mga active cases ay 154.

Nadagdagan naman ng 1 ang COVID-19 related deaths sa lalawigan kaya umabot na sa 66 ang kabuuang bilang ng nasawi.

Ang kabuuang bilang naman ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 440.

Samantala, nasa 40 ang bilang ng probable habang nasa 760 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...