“Tanggap ko na wala naman talaga akong partido”-Baligod

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2016 - 10:23 AM

baligodBinalewala lamang din ni senatoriable Atty. Levi Baligod ang desisyon ng partidong PDP-Laban na huwag na lamang mag-endorso ng senatorial slate sa kampanya nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Alan Peter Cayetano.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Baligod na sa simula pa lamang naman ay tanggap niyang wala siya partido at walang sapat na makinarya para makapaglunsad ng malakihang kampanya dahil siya ay independent candidate.

Si Baligod ay isa sa mga senatoriables na naunang inindorso ng tambalang Duterte-Cayetano.

Sinabi ni Baligod na kaya nga tanging ang kaniyang mga kaanak at kaibigan ang kaniyang unang pinuntahan sa unang mga araw ng pagsisimula ng kampanya.

Ani Baligod, si Duterte naman mismo ang tumawag sa kaniya noon para sabihing isasama siya sa kampanya.

Kwento ni Baligod, nagulat pa nga siya dahil noong kinausap siya ni Duterte ay hindi pa pormal na nag-aanunsyo ang alkalde na siya ay tatakbo sa pagka-pangulo.

“Nagulat ako, tinanong ko siya, so Mayor, tatakbo na po ba kayo talaga? At noon nga sinabi ni Mayor Duterte na tatakbo siya,” ani Baligod.

Hindi na rin inasahan ni Baligod na kukunin siyang guest candidate ng ibang partido, lalo pa at marami siyang nasagasaan nang pangunahan ang pagsasampa ng kaso kaugnay sa pork barrel scam.

Ani Baligod, meron siyang mga pulitikong nasampahan ng kaso na kasapi ng partido Liberal, United Nationalist Alliance at maging sa slate ni Senator Grace Poe.

TAGS: levi baligod, levi baligod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.