Pumalo na sa 628 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (May 21), 38 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa 628, 363 ang aktibong kaso.
449 ang itinuturing na probable cases habang 1,510 ang suspected cases kung saan 1,213 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng apat ang bilang ng mga gumaling.
Dahil dito, 212 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Nanatili naman sa 53 residente sa Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.