Davao City gov’t, tiniyak na tuloy pa rin ang pamimigay ng bigas

By Angellic Jordan May 21, 2020 - 07:02 PM

Siniguro ng Davao City government sa mga residente nito na patuloy pa ring makakatanggap ng suplay ng bigas habang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Mayor Sara Duterte, ito ay hangga’t mayroong available na suplay ng bigas para matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilya.

Sa ngayon, nakumpleto na ng Davao City government ang ika-apat na round ng pamamahagi ng rice assistance sa 182 barangay.

Ipinapadala ang mga kaso ng bigas sa pamamagitan ng barangay council at ilang volunteers mula sa LGBTQ community.

Mas maraming inilalaang sako ng bigas sa mga lugar na may mataas na populasyon.

Sa 182 barangay, apat na barangay ang nakatanggap ng 30 sako ng bigas; lima ang nakatanggap ng 25 sako; 13 ang 20 sako; 78 ang 15 sako at 82 ang 10 sako ng bigas.

Ayon pa sa alkalde, nabawasan ang bilang ng mga kasalukuyang round ng rice distribution kumpara sa naunang round ng pamamahagi sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ay dahil ilan aniya sa mga residente sa Davao City ay nakabalik na sa kani-kanilang trabaho.

Prayoridad ng Davao City government ang pamimigay ng ayuda sa mga residente na hindi pa makapagtrabaho.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Sara Duterte, Radyo Inquirer news, rice assistance in Davao City, rice distribution in Davao City, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Sara Duterte, Radyo Inquirer news, rice assistance in Davao City, rice distribution in Davao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.