Ayon sa PAGASA, limang synoptic stations nila ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon sa araw ng Huwebes (May 20).
Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Ambulong, Tanauan City – 47 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Legazpi City – 47 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Sangley Point, Cavite City – 47 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Science of Muñoz – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Roxas City – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.