41 degrees Celsius na heat index naitala sa Quezon City, May 21

By Angellic Jordan May 21, 2020 - 05:16 PM

Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Huwebes (May 21).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 41 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang 1:30 ng hapon.

Umabot naman sa 35.4 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig.

Iwasan din ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon para makaiwas sa heat stress.

TAGS: Heat index in Metro Manila, heat index in Quezon City, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 21, Heat index in Metro Manila, heat index in Quezon City, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 21

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.