2nd wave ng City Amelioration Crisis Assistance Fund, nai-turnover na sa tatlong distrito sa Maynila

By Angellic Jordan May 21, 2020 - 05:03 PM

Inanunsiyo ni Manila City Mayor Isko Moreno na nai-turnover na ang second wave ng City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF) sa tatlong distrito sa Maynila.

Ayon sa alkalde, nai-turnover na ang pondo sa Districts 4, 5 at 6.

Inaasahang makatatanggap aniya ng P1,000 mula sa pamahalaang lungsod ang humigit-kumulang 680,000 na pamilya.

Ani Moreno, ang CACAF ay isa sa kanilang proyekto upang maibsan ang epekto ng COVID-19 crisis sa pamamagitan ng tulong pinansyal sa mga pamilya sa lungsod.

“I’m hoping, in our own little way, na makatulong po ito upang matugunan po ang ilan sa inyong mga pangangailangan sa panahon ng krisis,” pahayag ng alkalde.

TAGS: CACAF, City Amelioration Crisis Assistance Fund, City Amelioration Crisis Assistance Fund in Manila, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, CACAF, City Amelioration Crisis Assistance Fund, City Amelioration Crisis Assistance Fund in Manila, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.