outbrain

2 patay, 6 sugatan sa buhawi sa Indonesia

By Angellic Jordan May 21, 2020 - 04:36 PM SHARE(S):

Nasawi ang dalawa katao makaraang manalasa ang buhawi sa Indonesia.

Ayon kay Raditya Jati, tagapagsalita ng National Disaster Mitigation Agency sa nasabing bansa, naganap ang buhawi sa bahagi ng Tulang Bawang district sa Lampung province.

Lubha aniyang nasugatan ang anim pang katao.

Naisugod na ang mga biktima sa ospital para mabigyan ng lunas.

Ayon pa kay Jati, nasa 245 bahay sa tatlong barangay ang napinsala at nawalan ng kuryente.

Inilikas na ng mga otoridad ang mga residente sa mga lugar para maalis ang mga debris.

TAGS: Inquirer News, National Disaster Mitigation Agency in Indonesia, Radyo Inquirer news, tornado in Indonesia, tornado in Tulang Bawang district Lampung province, Inquirer News, National Disaster Mitigation Agency in Indonesia, Radyo Inquirer news, tornado in Indonesia, tornado in Tulang Bawang district Lampung province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.