Tatlo pang kaso ng COVID-19, naitala sa Valenzuela City

Nakapagtala ng tatlo pang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Sa ulat ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ang dalawang bagong COVID-19 patient ay kapwa Barangay Health Station health workers.

Lumabas naman ang resulta ng isang 34-anyos na babaeng pumanaw noong May 15 na positibo ito sa nakakahawang sakit.
Lumabas ang resulta ng pagsusuri noong araw ng Miyerkules (May 20).

Dahil dito, hanggang 3:00, Huwebes ng hapon (May 21), umakyat na sa 227 ang confirmed COVID-19 cases sa Valenzuela City.

Read more...