US Pres. Barack Obama, sinalubong si PNoy nang dumating sa Sunnylands California


Si United States President Barack Obama mismo ang sumalubong kay Pangulong Benigno Aquino III nang dumating ito sa Sunnylands estate sa California para sa dalawang araw na Asean-US summit.

Dumating si Aquino sa venue ng summit alas 3:40 ng hapon (7:40 a.m. Manila time).

Nagkamayan ang dalawang pangulo, nagpakuha ng larawan at saka sinamahan ni Obama si PNoy patungo sa lugar kung saan idaraos ang unang pulong.

Matapos maihatid si Pangulong Aquino, bumalik si Obama sa entrance para i-welcome ang iba pang parating na pinuno ng iba’t ibang bansa.

Sampung miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) ang dumating sa California para sa summit.

Sa unang araw ng summit, tatalakayin ang promotion ng innovative, entrepreneurial Asean economic community. Susundan ng working dinner sa regional strategic outlook.

Habang sa second day ng summit tatalakayin ang protection of peace, prosperity at security sa Asia Pacific.

Read more...