278 distressed OFW mula Qatar, balik-Pilipinas na
By Angellic Jordan May 21, 2020 - 01:51 PM
Nakauwi na ng Pilipinas ang 278 distressed overseas Filipino workers mula sa Doha, Qatar araw ng Huwebes (May 21).
Sinalubong ng ilang tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Lulan ang mga OFW ng chartered flight PR685 ng Philippine Airlines.
Sinabi ng kagawaran na ito ang unang DFA-funded repatriation katuwang ng Philippine Embassy sa Doha.
Sasalang naman ang mga bagong uwing OFW sa 14 araw na mandatory quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.