Asahan na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Sa thunderstorm advisory bandang 12:50 ng tanghali, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal at Nueva Ecija.
Maliban dito, maaapektuhan din ang Imus, Bacoor sa Cavite; Santa Cruz, Candelaria, San Marcelino sa Zambales; Mabalacat, Porac at Floridablanca sa Pampanga; at San Narciso sa Quezon.
Sinabi ng PAGASA na iiral ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, inabisuhan ng weather bureau ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.