3 sanggol kabilang sa 5 bagong nasawi sa COVID-19 sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo May 21, 2020 - 12:31 PM

Nakapagtala ng limang panibagong bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Cebu at tatlo dito ay sanggol.

Sa datos mula sa Department of Health in Central Visayas (DOH-7), tatlong sanggol ang nasawi matapos magpositibo sa sakit.

Kabilang dito ang isang bagong silang lang na sanggol sa Cebu City na maituturing na “youngest fatality” sa Cebu dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH-7, septic shock ang ikinasawi ng bagong silang na sanggol pero kalaunan ay nagpositibo ito sa COVID-19.

Ang iba pang panibagong nadagdag sa bilang ng nasawi ay isang five-month-old mula Lapu-Lapu City, at isang one-year-old, at two lalaki na edad 62 at 94 mula Cebu.

 

 

TAGS: cebu, COVID, covid pandemic, covid related deaths, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cebu, COVID, covid pandemic, covid related deaths, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.