3 araw na nationwide curfew ipatutupad sa Jordan

By Dona Dominguez-Cargullo May 21, 2020 - 11:02 AM

Magpapatupad ng tatlong araw na nationwide curfew sa Arab country na Jordan.

Ito ay kasunod ng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Huwebes ng hatinggabi ang simula ng curfew ayon kay Minister of State for Media Affairs Amjad Adaileh at magtatapos ito sa hatinggabi ng Linggo.

Exempted naman sa curfew ang mga medical workers at essential employees.

Ang Jordan ay mayroong 672 na kaso ng COVID-19.

Noong Miyerkules ay 23 kaso ang nadagdag na labis na ikinabahala ng pamahalaan.

Noong nakaraang buwan nagpatupad na ng lockdown sa Jordan pero muling nakapagtala nang pagtaas ng kaso ng sakit nang alisin ang lockdown pagpasok ng buwan ng Mayo.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, curfew, Health, Inquirer News, Jordan, nationwide curfew, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, curfew, Health, Inquirer News, Jordan, nationwide curfew, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.