Judicial complex ng Caloocan City isinara matapos isang staff ang magpositibo sa COVID-19
Isang staff mula sa Office of the City Prosecutor sa Caloocan City ang nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, pansamantalang ipinasara muna ang Caloocan City judicial complex.
Ayon kay Executive Judge Victoriano Cabanos, sasailalim sa disinfection ang pasilidad.
Hihintayin din muna ang resulta ng confirmatory test sa empleyado bago buksan muli ang mga RTC at MTC maging ang office ng clerk of court.
Kahit sarado ang mga korte, tuloy naman ang electronic filings at hearings sa pamamagitan ng video conferencing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.