14 nasawi sa pananalasa ng bagyo sa India at Bangladesh

Patay ang labingapat na katao sa pananalasa ng bagyo sa India at Bangladesh.

Libu-libong bahay ang nawasak na dagdag pahirap sa mga residente at mga opisyal dahil mayroon pa ring problema sa pandemic ng COVID-19.

Sa mataong lugar na West Bengal sa India tumama ang Cyclone Amphan.

Mayroon itong taglay na lakas ng hangin na 185 km per hour.

Ayon kay West Bengal Chief Minister Mamata Banerjee, 10 ang nasawi sa kanilang lugar.

Nakapagtala naman ng apat na nasawi sa kalapit na bansa na Bangladesh.

 

 

 

 

 

Read more...